Overblog
Edit post Follow this blog Administration + Create my blog

pinoyexpeditionista.over-blog.com

pinoyexpeditionista.over-blog.com

This blog is all about travel lifestyle and personal experiences in the field of teaching.


Kwento Mo, Isulat Mo: Sa Dakong Timog-Silangang Asya

Posted by Michael Jhudz on November 12 2019, 12:47pm

#KeepMovingForward #KeeptheSPIRITalive #ProtectYOURSelfFROMdepression
#KeepMovingForward #KeeptheSPIRITalive #ProtectYOURSelfFROMdepression
#KeepMovingForward #KeeptheSPIRITalive #ProtectYOURSelfFROMdepression

#KeepMovingForward #KeeptheSPIRITalive #ProtectYOURSelfFROMdepression

Wala namang pumilit, ginusto ko kung ano ang kinatatayuan ko. Di naman ako sanay na malungkot at mag isa dahil noon pa man malaya akong dumistansya sa aking pamilya, hindi dahil sa ayaw ko sa kanila, pero dahil ito sa pangarap ko sa bawat miyembro ng maliit na yunit ng tahanan. Hindi rin dahil sa takasan ang kahirapan, ngunit ito na ang iyong kinagisnan, dahil ikaw ang inaasahan.

Isang taon at walong buwan na akong manggagawa sa bansang Thailand. Hindi kalayuan sa aking bayang sinilangan. Marami ng nangyari, samot saring karanasan. Sobrang saya, sobrang lungkot. Ganun naman talaga ang buhay, hindi mo basta basta mapipili kung ano iyong kagustuhan lamang.

Bilang isang guro sa totoong lang, NAPAKAHIRAP ihatid ng kaalaman sa mga batang hindi mo alam kung ano ang pinagmulan, hindi mo malapatan ng malalim na katwiran sapagkat lingwahe nila'y hindi mo alam. Gayunpaman, guro ka, kailangan mong gumawa ng paraan. Nagbunga naman at maayos ang kinahantungan.

Sa kabila naman ng pagsusumikap mo sa paghahanapbuhay, maging kapwa mo'y ika'y kaiinggitan. Sa katunayan nga ay hindi lang kapwa mo, kasama na rin ang ibang lahi na nangangamuhan rin dito sa dakong timog silangan. 

Nakakalungkot lamang rin na isipin na imbes mag-suportahan, ay sya namang lakas ng hilahan. Marami nang kwentong napatunayan na ganyan, hindi na mabilang yaong karanasan. 

Heto ako, nanahimik, mas natutong magmasid sa kapaligiran. Sa kabila nang mga nakatagong poot at galit na dapat sanay di pinigilan. Ngunit para saan? Para lumaban? Hindi na lang. Sapagkat mas alam ko sa sarili ko kung ano ang aking kakayanan, maliitin ka man ng iba sa kung ano-anong paraan, tigasan mo na lang ang iyong kalooban na para bang wala lang. 

Hindi na ako naniniwala sa kasabihang, kapag pinukol ka, suklian mo ng kabaitan. Ibang iba sa kinamulatan. Kung ikaw man ang na sa aking kalagayan, pipiliin mong ikay manahimik na lamang. 

Sa kabila nooy, ako'y AKO pa rin, mas nangarap, mas nagsusumikap, mas maigting ang panalangin upang sa gayo'y malagpasan mga sigalot na nakahain. 

Hindi naman ako taong simbahan, ngunit sa kabila nang lahat. Parati mong babalik balikan ang katagang

"I can do all things through Christ who strengthens me." Philippians 4:13

-Kumbaga sa wikang kinagisnan "Kaya mong gawin ang lahat, dahil si Kristo ang nag bibigay sa atin ng lakas. Kapag may pananalig tayo sa kaniya ay bibigyan nya tayo ng lakas para malampasan ang ating mga pagsubok sa buhay o di kaya ang mga gawain na akala natin ay di natin kakayanin. Huwag tayong sumuko dahil nandiyan lang ang Diyos para gabayan at protektahan tayo sa lahat ng bagay.💪🙏💯❤️

 

 

To be informed of the latest articles, subscribe:
Comment on this post

Recent posts